Saturday, August 12, 2006

Separation Letter

Daddy,

Ipagpaumanhin
nyo ni Mommy ang pagsulat ko sa inyo

para ipaalam na akoy

aalis na sa inyong poder.

Ako'y sasama na sa aking bagong boyfriend na si

Mark dahil gusto kong

takasan na kayo ni Mommy. Natagpuan ko na kay Mark

and tunay na pagmamahal

at napakabait nya sa akin, napaka malambing nya

hindi tulad ng iba kong

naging boyfriend. Alam ko na pag nakilala nyo sya ay

magugustuhan nyo din

siya, lalo na ang kanyang mga hikaw, tattoo nya sa

lahat ng parte ng

kanyang katawan at ang pang motorsiklo nyang damit.

Hindi lang sa pagkakaiba nya Dad kaya ko sya mahal

na mahal, eto ay dahil

sa buntis ako at sabi ni Mark na gusto nyang

magkaanak sya sa akin para

lalo kaming sumaya sa aming pagsasama. Kahit na

matanda sya sa akin (42 na

sya Dad, di pa naman matanda sa ngayon and edad nya

diba?) kahit na wala

syang pera, di naman eto hadlang sa aming relasyon,

hindi ba Dad? Syanga

pala Dad, maraming CD collection si Mark, meron din

syang trailer na truck

na kung saan doon kami magsasama, pinakang bahay na

namin ang trailer, at

marami na rin syang stock na panggatong para magamit

namin sa buong buwan

ng taglamig. Totoo na meron pa syang ibang

girlfriend pero alam ko na

magiging tapat sya sa akin sa kanyang sariling

pamamaraan, sa katunayan

gusto nyang marami kaming anak at eto ang isa sa

aking ambisyon. Tinuruan

na nga pala nya akong humithit ng marijuana at

masarap ang pakiramdam, sa

katunayan nagtanim na sya para ipagpalit sa aming

mga kaibigan ng shabu,

ecstasy na gusto namin.

Dad, sana ipagdasal mo na matuklasan na ang gamot sa

AIDS para gumaling na

si Mark, kasi deserving naman sya na gumaling!!

Huwag kang mag alala Dad 15

years old na ako at alam ko na kung paano

pangalagaan ang aking sarili.

Makikita mo Dad, ipagmamalaki mo rin ako at balang

araw bibisita kami sa

inyo para naman makilala mo ang iyong mga apo.

Nagmamahal mong anak,

Irene





PS: Dad, hindi totoo mga sinabi ko sa sulat. Nandito

lang ako sa

kapitbahay, pinapaalala ko lang sa iyo na mas marami

pang dapat ikatakot sa

buhay kesa aking report card na nasa drawer.

Pakipirmahan na lang po at

tawagan ako kung safe na akong umuwi dyan sa bahay.

I love you

0 Comments:

Post a Comment

<< Home